Location: NFWC Building, 962 J. Escoda Street cor. San Marcelino Street, Ermita, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: January 4, 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANGELA VALDEZ RAMOS
(1905–1977)
EDUKADOR, LIDER SIBIKO. IPINANGANAK SA BATAC, ILOCOS NORTE, 6 ENERO 1905 KINA HILARIO VALDEZ AT CRISPINA MARCOS. NATAMO BUHAT SA UNIVERSIDAD NG PILIPINAS ANG MGA TITULONG ASSOCIATE IN ARTS, 1924 AT BACHELOR OF SCIENCE IN EDUCATION, 1926. IKINASAL KAY NARCISO RAMOS, ESTADISTA AT DIPLOMATIKO, 14 MAYO 1927. INA NINA FIDEL RAMOS Y VALDEZ, (PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS (1992–1998), LETICIA RAMOS SHAHANI, DIPLOMATIKO AT MAMBABATAS, AT GLORIA RAMOS–DA RODDA, DIPLOMATIKO. NAGTURO SA ILOCOS NORMAL SCHOOL, 1926–1927; PANGASINAN VOCATION SCHOOL SA LINGAYEN, 1927–1939, AT FAR EASTERN UNIVERSITY, 1939 HANGGANG SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, NAMUNO SA KILUSAN NG MGA KABABAIHAN SA BANSA UPANG MAKABOTO, 1936–1937. NAGTATAG NG UNANG SENTRO NG LINGKURANG PANLIPUNAN SA CAPAS, TARLAC NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. KAGAWAD, LUPONG PATNUGUTAN, AT PANGULO NG TAIPEI INTERNATIONAL WOMEN’S CLUB, 1955–1965. KATULONG SA PAGTATATAG NG FEDERATION OF ASIAN WOMEN’S ASSOCIATION, 1961. NAG-AYOS AT NAGPAGANDA SA STUDY AT RECREATION CENTER NG LUNGSOD NG QUEZON. YUMAO, 19 PEBRERO 1977.