Location: Nielson Tower, Ayala Triangle, Makati Avenue, Makati City
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NIELSON TOWER
IPINATAYO NOONG 1937 SA LUPAING PAG-AARI NG MGA AYALA AT CIA. ANG NIELSON TOWER AY NAGSILBING HIMPILANG PAMPASAHERO AT SENTRO NG PAMAMAHALA NG PALIPARANG NIELSON. GINAMIT MULA 1937 HANGGANG 1947. ANG PALIPARANG ITO ANG UNANG MAKABAGO AT KOMERSYAL NA PALIPARANG PANDAIGDIG SA BANSA AT SA MAGKAHIWALAY NA PANAHON, ITO AY NAGING PUNONG HIMPILAN NG KAPWA HUKBONG SANDATAHAN NG HAPON AT NG ESTADOS UNIDOS. SA MULING PAGSASAAYOS NG GUSALI, PINANATILI NG AYALA GROUP OF COMPANIES ANG ORIHINAL NA ARKITEKTURA NITO BAGO MAGKADIGMA UPANG MAGSILBING TAGAPAGPAGUNITA SA PANGUNGUNA NITO SA LARANGAN NG TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON.
NGAYON, ANG GUSALING ITO ANG KINALALAGYAN NG FILIPINAS HERITAGE LIBRARY AT NAGSISILBING KAWING NG BANSA SA DAIGDIG SA PAMAMAGITAN NG UGNAYANG PANGKAALAMAN.