Location: Gen. Taino Street, Pagsanjan, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CONRADO BENITEZ Y FRANCIA
(1889–1971)
IPINANGANAK SA PAGSANJAN, LAGUNA, 26 NOBYEMBRE 1889. UNANG DEKANONG PILIPINO, KOLEHIYO NG MALALAYANG SINING, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1918; TAGAPAGTATAG, PHILIPPINE COLUMBIAN ASSOCIATION, 1909; UNANG PATNUGOT, THE PHILIPPINE HERALD, 1920. MAY-AKDA AT TAGAPAGLATHALA HISTORY OF THE PHILIPPINES, TAGAPAGTATAG AT DEKANO, KOLEHIYO NG PAMAHALAANG PANGALAKAL, U.P., 1926. KINATAWAN NG LAGUNA AT ISA SA PITONG PANTAS NA BUMALANGKAS SA KONSTITUSYON NG PILIPINAS, 1935; AT KONSEHAL, LUNGSOD NG QUEZON, 1959. TUMANGGAP NG GAWAD RIZAL PRO PATRIA AT KNIGHT GRAND CROSS OF RIZAL, 1969. NAMATAY, 4 ENERO 1971.