Location: 41st Division Philippine Army-USAFFE Shrine, Km. 59 Emilio Aguinaldo Highway, Tagaytay, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: April 27, 1979
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
IKA-41 DIBISYON HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS (USAFFE)
1 SETYEMBRE – 25 DISYEMBRE 1941
SA POOK NA ITO NAGTIPON ANG IKA-41 DIBISYON, HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS (USAFFE) NA TINAWAG SA PAGLILINGKOD SA PAMAMAHALA NI BRIG. HEN. VICENTE P. LIM, NOONG 28 AGOSTO 1941, SA BISA NG UTOS MILITAR NG PANGULONG FRANKLIN D. ROOSEVELT NOONG 26 HULYO 1941 AT NG PROKLAMASYONG BILANG 740 NG PANGULONG MANUEL L. QUEZON NOONG 10 AGOSTO 1941.
SINANAY NOONG 1937 AT 1938, ANG MGA SUNDALONG PANLAAN NG DIBISYON ANG BUMUO NG IKA-4 NA POOK MILITAR NG HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS NA MAY PUNONG-HIMPILAN SA LIPA, BATANGAS. ITINALAGA SA TUNGKULIN NG USAFFE NOONG 1 SETYEMBRE 1941, ANG IKA-41 AT 42 IMPANTERYA REHIMYENTO, SA TULONG NG IBANG PANGKAT NG HUKBONG SANDATAHAN, AY ITINALIBA UPANG IPAGTANGGOL ANG MGA BAYBAYIN MULA LOOC, KABITE HANGGANG LEMERY, BATANGAS NOONG 17 NOBYEMBRE 1941, AT ITINALAGA ANG IKA-43 REHIMYENTO NA RESERBA SA TAGAYTAY.
DAHIL SA PAGSALAKAY NG HUKBONG HAPONES SA MAUBAN, TAYABAS NOONG 22 DISYEMBRE, NAGING MAPANGANIB ANG KATAYUAN NG MILITAR, AT ANG BUONG PANGKAT AY INATASANG TUMUNGO NOONG IKA-24–25 NG DISYEMBRE 1941 MULA BATANGAS HANGGANG SA BATAAN UPANG ITINDIG ANG HANAY NG DEPENSANG ABUCAY–MORONG SA BATAAN. ANG PANGKAT AY ISA SA MGA GUMAWA NG HULING PAGTATANGGOL SA MAKASAYSAYANG LABANAN SA BATAAN HANGGANG IKA-9 ABRIL 1942.