Location: Pakil Municipal Hall, Iglesia Street, Pakil, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAYAN NG PAKIL
ITINATAG ANG UNANG PAMAYANAN NI SAN PEDRO BAUTISTA, O.F.M., 1588. NAGING BARYO NG PAETE, 1602; NAGING BAYAN, 1676 AT HINIRANG NA UNANG KAPITAN SI DIEGO JORGE. IPINATAYO ANG CASA TRIBUNAL AT UNANG PAARALANG BAYAN, 1800. IBINALIK SA PAGIGING BARYO NG PAETE, OKTUBRE 12, 1903 AT INILIPAT SA PAGIGING BARYO NG PANGIL, NOBYEMBRE 25, 1903. MULA NG MAPAANIB ANG BAYANG ITO SA PANGIL, APAT NA TAGA-PAKIL ANG NAGING PRESIDENTE MUNICIPAL. NAGING GANAP NA BAYAN, OKTUBRE 1, 1927 SA BISA NG UTOS PAMPANGASIWAAN BILANG 77, SETYEMBRE 9, 1927, NA SINUSUGAN NG UTOS PAMPANGASIWAAN BILANG 91. DISYEMBRE 5, 1927. NANG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON, ANG MAMAMAYAN NG BAYANG ITO AY BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN. LUMAYA, ABRIL 5, 1945.