Location: Villa Escudero, Kilometer 91, Pan-Philippine Highway, Tiaong, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: June 3, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
VILLA ESCUDERO
SUMASAKOP SA MALAWAK NA LUPAING BAHAGI NG LUNGSOD NG SAN PABLO SA LAGUNA AT MGA BAYAN NG TIAONG AT DOLORES SA QUEZON. NABILI NOONG 1880 NI PLACIDO ESCUDERO, ISANG KASTILANG ASAWA NI CLAUDIA MARASIGAN. DITO NIYA KINUPKOP ANG MGA MANGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA AT AMERIKANO NOONG 1897–1901. DITO RIN PINATULOY NI ARSENIO, KANYANG ANAK AT ASAWA NI ROSARIO ADAP, ANG MARAMING KAWAL PILIPINO AT AMERIKANO NANG UMURONG BUHAT TIMOG NOONG 1941 AT TUMUNGO SA BATAAN; GAYUNDIN ANG MARAMI SA KANILA NANG TUMALILIS SA BATAAN. DITO PA RIN BINUO NI ARSENIO ANG ISANG PULUTONG NG MGA GERILYA LABAN SA HAPON NOONG 1942. SA PAGKUPKOP NG MAG-AMA SA MGA SUNDALO SILA’Y DINAKIP AT PINAHIRAPAN NG KANI-KANILANG KAAWAY. ISANG MAKASAYSAYANG VILLA NG KALAYAAN NOONG PANAHON NG KASTILA, AMERIKANO AT HAPON.
Marker text (English):
VILLA ESCUDERO
OCCUPYING A VAST TRACT OF LAND THAT IS PART OF SAN PABLO CITY IN LAGUNA AND THE TOWNS OF TIAONG AND DOLORES IN QUEZON, VILLA ESCUDERO WAS PURCHASED IN 1880 BY PLACIDO ESCUDERO, A SPANIARD, AND HIS WIFE CLAUDIA MARASIGAN. IT SERVED AS A SANCTUARY TO THE REVOLUTIONIST AGAINST THE SPANIARDS AND THE AMERICANS, 1897–1901. ARSENIO ESCUDERO AND HIS WIFE ROSARIO ADAP PROVIDED REFUGE TO FILIPINO AND AMERICAN SOLDIERS WHO RETREATED FROM THE SOUTH AND PROCEEDED TO BATAAN IN 1941. FOR ORGANIZING A GROUP OF GUERILLAS WHO FOUGHT AGAINST THE JAPANESE IN 1942, BOTH PLACIDO AND ARSENIO ESCUDERO WERE ARRESTED AND TORTURED BY THE ENEMY. A HISTORICAL VILLA OF FREEDOM DURING THE SPANISH, AMERICAN AND JAPANESE OCCUPATION.