Location: Tubabao Island, Tubabao Island, Guiuan, Eastern Samar
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: November 16, 2016
Installed by National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNITED NATIONS EVACUATION CENTER
TUBABAO, GUIUAN, SILANGANG SAMAR
TINANGGAP NI PANGULONG ELPIDIO R. QUIRINO ANG HALOS 6,000 REFUGEES MULA SA IBA’T-IBANG BANSA SA KABILA NG MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG PILIPINAS DULOT NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 31 DISYEMBRE 1948. INILIKAS ANG MGA REFUGEE SA TUBABAO UPANG MAKALIGTAS SA SAPILITANG PAGPAPABALIK SA UNION OF SOVIET SOCIALIST REPUBLICS DULOT NG PAGLAGANAP NG KILUSANG KOMUNISTA. DUMATING ANG MGA UNANG REFUGEE MULA SA SHANGHAI, TSINA, ENERO 1949. UNTI-UNTING TINANGGAP NG IBA’T-IBANG BANSA HANGGANG SA UMALIS ANG HULING MGA REFUGEE NOONG KALAGITNAAN NG 1953.