Location: Col. E. Riego de Dios Street, Maragondon, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EMILIANO RIEGO DE DIOS
(1864–1926)
IPINANGANAK SA MARAGONDON, KABITE, NOONG SETYEMBRE 7, 1864 SA MAG-ASAWANG SOTERO RIEGO DE DIOS AT JORGA LOYOLA. NAGING KATIPUNERO NOONG 1896 AT NAKILABAN NA KASAMA ANG MGA KAPATID NA SINA KORONEL VICENTE (1868–1936) AT HENERAL MARIANO (1875–1935). NAHALAL NA MINISTRONG PANDIGMA SA KUMBENSIYON NG TEHEROS, MARSO 22, 1897; GOBERNADOR MILITAR NG KABITE, 1898; AT PANGALAWANG TAGAPANGULO NG HUNTA NG HONGKONG, NOBYEMBRE, 1898.
NAMATAY NOONG PEBRERO 14, 1926.