Location: General Trias Drive, Rosario, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EMILIO AGUINALDO Y FAMY
(1869–1964)
BAYANI AT UNANG PANGULO NG PILIPINAS. ISINILANG SA KAWIT, CAVITE, 22 MARSO 1869. NAGING KAPITAN MUNISIPAL NG KAWIT AT KASAPI NG KATIPUNAN SA PANGALANG MAGDALO, 1895. NAGING PANGULO NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO SA TEJEROS, 22 MARSO 1897; AT REPUBLIKA NG BIYAK-NA-BATO, 2 NOBYEMBRE 1897. NADESTIYERO SA HONG KONG, 27 DISYEMBRE 1897. DITO NIYA ITINATAG ANG HONG KONG JUNTA AT IPINAGAWA ANG BANDILA NG PILIPINAS. BMALIK SA PILIPINAS PANG IPAGPATULOY ANG LABAN PARA SA KALAYAAN, 19 MAYO 1898. ITINATAG ANG PAMAHALAANG DIKTATORYAL, 24 MAYO 1898. INATASAN SI JULIAN FELIPE NA KUMATHA NG “MARCHA FILIPINA MAGDALO” NA KALAUNA’Y NAGING PAMBANSANG AWIT, 4 HUNYO 1898. IPINAHAYAG ANG KALAYAAN NG PILIPINAS SA ESPANYA SA KAWIT, CAVITE, 12 HUNYO 1898. ITINATAG ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO NG PILIPINAS, 23 HUNYO 1898. PINULONG ANG KONGRESO NG MALOLOS SA SIMBAHAN NG BARASOAIN, BULACAN NA MAGBABALANGKAS NG SALIGANG BATAS, 15 SETYEMBRE 1898. HINIRANG BILANG PANGUL KASABAY NG PAGTATATAG NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 23 ENERO 1899. PINAMUNUAN ANG DIGMAANG FILIPINO LABAN SA MGA AMERIKANO, 1899–1901. NADAKIP SA PALANAN, ISABELA, 23 MARSO 1901. YUMAO, 6 PEBRERO 1964.