Location: Pilar Lodge No. 3, F. Tirona Street cor. General Mascardo Street, Imus, Cavite
Category: Association/Institution/Organization,
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: June 18, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PILAR LODGE BLG. 15, F&AM
ITINATAG NINA REB. P. SEVERO BUENAVENTURA, CAYETANO TOPACIO AT JUAN CASTAÑEDA BILANG SAMAHANG MASONIKO NA TINAWAG NA TRIANGULO PILAR, NOONG 1893. PINAGKALOOBAN NG KARTA AT NAGING REGULAR NA LOHIYA SA PANGALANG LOGIA PILAR BLG. 203 SA ILALIM NG GRAN ORIENTE ESPAÑOL, 5 HUNYO 1894. NAHINTO ANG MGA GAWAIN NANG ANG MGA KASAPI NITO AY LUMAHOK SA HIMAGSIKANG PILIPINO AT SA DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO. MULING ITINATAG NI HEN. PANTALEON GARCIA, 1907. UMANIB SA GRAND LODGE OF THE PHILIPPINE ISLANDS AT PINAGKALOOBAN NG KARTA SA ILALIM NG KASALUKUYANG PANGALAN NITO, 13 PEBRERO 1917. MULING NAHINTO ANG GAWAIN NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON. NAGPASIMULANG MULI, 1945. PINAKATANYAG SA MGA NAGING KASAPI NITO SI HEN. EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS.