Location: J.P. Rizal Street cor. M.H. del Pilar Street, Silang, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 7, 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
VITO BELARMINO
1857–1933
ISINILANG SA SILANG, CAVITE, 15 HUNYO 1857. NAGLINGKOD BILANG TENYENTE MAYOR, CABEZA DE BARANGAY, KALIHIM TRIBUNAL, AT GOBERNADORCILLO. GENERAL DE BRIGADA NG SANGGUNIANG BAYANG MAGDALO AT ISA SA MGA NANGUNA SA PAG-AAKLAS SA SILANG, 1896. LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIAK-NA-BATO, 1 NOBYEMBRE 1897. KALIHIM NG DIGMA SA BIAK-NA-BATO AT KABILANG SA MGA LIDER NA KUSANG NAGPATAPON SA HONG KONG, DISYEMBRE 1897. GENERAL DE DIVISION NG HUKBONG REBOLUSYONARYO, 25 HUNYO 1898. KINATAWAN NG BATANES, KONGRESONG REBOLUSYONARYO, SETYEMBRE 1898. ITINALAGA NI EMILIO AGUINALDO BILANG PUNONG KOMANDANTE NG ALBAY AT HEPE NG MGA HUKBO SA CAMARINES NORTE, CAMARINES SUR AT SORSOGON, 29 OKTUBRE 1898. NAKIPAGLABAN SA PUWERSA NI HEN. WILLIAM KOBBE NOONG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO SA ALBAY, 1900–1901. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 4 HULYO 1901. YUMAO, 14 HULYO 1933.