Location: Balayan, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2003
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GALICANO C. APACIBLE
(1864–1949)
MANGGAGAMOT, PROPAGANDISTA, DIPLOMATIKO, MAMBABATAS AT MAKABAYAN. IPINANGANAK SA BALAYAN, BATANGAS 24 HUNYO 1864. KASAMA SI DR. JOSE RIZAL AT IBA PANG MGA MAG-AARAL NA FILIPINO, ITINATAG SA MAYNILA ANG EL COMPAÑERISMO. ISANG LIHIM NA SAMAHANG PULITIKAL NOONG 1880. ISA SA MGA NAGTATAG NG PAHAYAGANG PROPAGANDISTANG LA SOLIDARIDAD NOONG 1889. PANGULO NG ASOCIACION SOLIDARIDAD FILIPINA SA BARCELONA NOONG 1888 AT NG KOMITE SENTRAL NG MGA FILIPINO SA HONG KONG NOONG 1898. TAGAPAYO NG MATAAS NA KONSEHO NG MGA REBOLUSYONARYONG FILIPINO AT KINATAWAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA TSINA, 1898–1899. NATATANGING SUGO SA AMERIKA AT EUROPA, 1900–1901. ISA SA MGA TAGAPAGTATAG NG LAPIANG NACIONALISTA, 1906. GOBERNADOR NG BATANGAS, 1908–1909; KINATAWAN NG BATANGAS SA ASAMBLEA NG PILIPINAS, 1910–1916: KALIHIM NG PAGSASAKA AT LIKAS NA YAMAN, 1917–1921. YUMAO 22 MARSO 1949.