Location: Medina Street cor. Puruganan Street, Brgy. Madamba, Dingras, Ilocos Norte
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 19, 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TAHANAN NG ANGKANG PURUGANAN
IPINATAYO NINA DON CIRILO PERALTA PURUGANAN AT KANYANG MAYBAHAY, DOÑA YNOCENCIA PERALTA PARADO. GINAMIT NA GUSALI NG PAMAHALAANG BAYAN NOONG PANAHON NG KASTILA AT PAGKARAAN BAHAY-TAGPUAN NG MGA PINUNONG MANGHIHIMAGSIK, KABILANG SINA GREGORIO PURUGANAN AT GREGORIO AGLIPAY, NA NADAKIP DITO NG HUKBO NG ESTADOS UNIDOS NOONG 1899. MAGKAKASUNOD DING GINAMIT NG HUKBONG IMPERYAL NG HAPONES AT NG PANGKAT NG TAGAPAGTANGGOL PILIPINO–AMERIKANO AT, PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, NG MGA PINUNO NG IKA-13 HUKBONG PANGHIMPAPAWID NG ESTADOS UNIDOS. PINANGALAGAAN NG APO NG DON EMILIO PURUGANAN AT KANYANG MAYBAHAY, DOÑA MARIA RIVERA PURUGANAN, AT NGAYO’Y PAG-AARI NG APO SA TUHOD, GREGORIO RIVERA PURUGANAN, DATING FLOOR LIDER AT KINATAWAN NG KONSTITUSYONAL KONBENSYON NG 1971.