Location: Doña Josefa Llanes Escoda National Highway cor. Peralta Street, Brgy. Albano, Dingras, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: January 14, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ENRIQUETA DE PERALTA
(1882–1940)
MAKATA NG ILOKANDIA, LIDER AT MANGGAGAWANG PANLIPUNAN, IPINANGANAK HUNYO 15, 1882 SA DINGRAS, ILOKOS NORTE. KALIHIM, DINGRAS WOMEN’S CLUB, 1918; TAGASIYASAT, RURAL CREDIT ASSOCIATION NG NORTHERN LUZON, 1919; KINATAWAN, INFANT MORTALITY CONFERENCE SA MAYNILA, 1920. PANGALAWANG PANGULO, ILOKOS NORTE WOMEN’S CLUB, 1922; TAGAPAGTATAG, PUERICULTURE CENTERS NG NORTHERN LUZON AT PANGULO, PROVINCIAL WOMEN’S CLUB OF ILOKOS NORTE, 1923–1938; NAGHARAP SA PAMBANSANG KUMBENSIYON NG WOMEN’S CLUB NG PANUKULANG MAGKAROON NG ARAW NG MGA INA AT KASAMANG NAGTAGUYOD SA LEHISLATURA NG KARAPATAN NG KABABAIHAN SA PAGBOTO. NAMATAY NOONG ABRIL 29, 1940.