Location: Batac, Ilocos, Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 22, 1993
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARTEMIO RICARTE (1866-1945)
KILALA SA SAGISAG NA VIBORA, GURO, REBOLUSYONARYO, MAKABAYAN, IPINANGANAK SA BATAC, ILOCOS NORTE, OKTUBRE 20, 1866. NAG-ARAL SA SAN JUAN DE LETRAN AT NAGTAPOS SA ESCUELA NORMAL, 1890. NAGING HENERAL NG BRIGADA SA SANGGUNIANG MAGDIWANG AT NAHALAL NA KAPITAN SA KUMBENSIYON SA TEJEROS, CAVITE. NADAKIP NG MGA AMERIKANO, NOONG 1900 AT IPINATAPON SA GUAM, 1901. HINDI KUMILALA SA KAPANGYARIHANG AMERIKANO AT NANIRAHAN SA HAPON HANGGANG SA PAGSIKLAB NG DIGMAAN SA PASIPIKO NOONG 1941. NAMATAY SA NAGPARAON, KALINGA, HULYO 31, 1945.