Location: Taft Avenue, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: October 24, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HARRIS MEMORIAL COLLEGE
UNA AT PINAKAMATANDANG SENTRO NG SANAYAN SA BIBLIYA NG METHODISTA PARA SA MGA BABAE SA TIMOG-SILANGANG ASYA NA ITINATAG NI WINEFRED SPAULDING SA KALYE NOZALEDA, MAYNILA, 1903. LUMIPAT SA 906 RIZAL AVENUE, STA. CRUZ, 1907, AT PINANGANLANG HARRIS MEMORIAL TRAINING SCHOOL SA KARANGALAN NI NORMAN HARRIS NG CHICAGO. LUMIPAT SA P. PAREDES AT LERMA, SAMPALOC, KUNG SAAN ITINATAG NI BRIGIDA FERNANDO ANG KAUNA-UNAHANG KINDERGARTEN, 1922; AT ANG PAGSASANAY NG MGA GURO NITO, 1924. LUMIPAT SA PANULUKAN NG TAFT AVENUE AT UNITED
NATIONS (DATING ISAAC PERAL) AT PINANGANLANG HARRIS MEMORIAL COLLEGE SA ILALIM NG UNITED METHODIST CHURCH OF THE PHILIPPINES, 1969; PAGKARAAN HARRIS MEMORIAL COLLEGE DEVELOPMENT CENTER FOR WOMEN, INC., 1975.