Location: PNR Tutuban Station, Tondo, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 31 July 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAMPANGULONG KOTSE NG TREN
IPINAGAWA NG MANILA RAILROAD COMPANY (NGAYO’Y PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS) PARA SA PUNONG TAGAPAGPAGANAP NG BANSA SA METROPOLITAN WAGON AND FINANCE CO., LTD. SA BIRMINGHAM, INGLATERA, NOONG 1913. GINAMIT NA SASAKYAN NG PANGULONG MANUEL L. QUEZON NANG MAKIPAGTALAKAYAN SA MGA PINLINO NG PAMAHALAAN TUNGKOL SA MGA ISYUNG PAMBANSA BAGO MAG-IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT NG SUMUNOD NA MGA PANGULO NANG OPISYAL NA DUMALAW SA MGA LALAWIGAN SA HILAGA AT TIMOG LUZON; GAYUNDIN NG ILANG MATATAAS NA PINUNO NG IBANG BANSA TULAD NINA PRINSIPE AKIHITO AT PRINSESA MICHICO NG HAPON, HARING BHUMIBOL ADULYADEJ AT REYNA SIRIKIT NG THAILAND AT HEN. AT GNG. DOUGLAS MACARTHUR. HULING SUMAKAY ANG PANGULONG CARLOS P. GARCIA NANG PASINAYAAN ANG BAYAN NG LUCENA BILANG LUNGSOD NOONG 1961.