Location: Civil Service Commission, Constitution Hills, Batasang Pambansa Complex Diliman 1126 Quezon City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 19 September 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KOMISYON NG SERBISYO SIBIL
NAGMULA SA MAYNILA BILANG ISANG LUPON NOONG 1900 SA GUSALING AYUNTAMIENTO SA INTRAMUROS; BILANG ISANG KAWANIHAN NOONG 1908 SA GUSALING ORIENTE SA BINONDO, SA GUSALING STA. POTENCIANA AT SA ISA PANG GUSALI SA DAANG VICTORIA – KAPUWA SA INTRAMUROS, SA MABABANG PAARALAN NG SAN ANDRES SA MALATE, AY SA GUSALI NG BADYET AT SA ISANG BAHAY SA DAANG AVILES, KAPUWA SA SAN MIGUEL; BILANG ISANG KOMISYON NOONG 1962 SA (ISANG GUSALI SA DAANG PAREDES) SAMPALOC AR SA GUSALING ABLAZA SA LUNGSOND NG QUEZON; AT BILANG ISANG KOMISYONG KONSTITUSYUNAL NA MAYROONG TATLONG KOMISYONADO NOONG 1973 SA GUSALING ABLAZA AT SA GUSALI NG PANANALAPI SA RIZAL PARK HANGGANG AGOSTO 13, 1983, AT SA GUSALING ITO.
NATAMO SA PAMAMAGITAN NG TAGAPANGULONG ALBINA MANALO-DANS NOONG 1982, ITO AY IKALABING ISANG GUSALI NG PANGUNAHING AHENSIYANG PANTAUHAN NG BANSA. PINASINAYAAN NOONG IKA-83 ANIBERSARYO NG KOMISYON NG SERBISYO SIBIL NOONG SETYEMBRE 19, 1983.