Location: Nagcarlan Municipal Hall, Nagcarlan–Rizal Road, Nagcarlan, Laguna
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG GUSALING PAMPAMAHALAAN NG NAGCARLAN
(NAGCARLAN PRESIDENCIA)
SA ILALIM NG BAGONG REHIMENG AMERIKANO, ANG DATING ‘CASA REAL’ O BAHAY PAMAHALAAN NA IPINATAYO NG REHIMENG KASTILA NOONG 1845 SA PANULUKAN NG CALLE SAN DIGEO AT CALLE SAN RAFAEL AY TULUYAN NANG NAIPASARA.
TAONG 1914, IPINATAYO ANG BAGONG ‘GUSALING PAMPAMAHALAAN’ SA GITNA NG ISANG MALAWAK NA LUPAIN MALAPIT SA LIBINGAN NG LUPA SA PANUNUNGKULAN NI G. LEONARDO LUCIDO. NAGING DALAWANG PALAPAG ANG GUSALI TAONG 1926 SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI G. NEMESIO F. ESMILLA. MAYROON ITONG DALAWAMPU’T ISANG SILID NA ANG KABUUANG ‘FACHADA’, SA DISENYO AT YARIG ‘NEO-CLASSICAL’ AY KAPANSIN-PANSIN ANG IMPLUWENSIYANG DAYUHAN.
SA PAGLAGO NG BAYANG NAGCARLAN, KINAKAILANGANG DAGDAGAN DIN ANG PASILIDAD NG GUSALING PAMPAMAHALAAN SA PANUNUNGKULAN NI PUNUMBAYAN DEMETRIO T. COMENDADOR, NAGKAROON NG ANIM (6) NA KARAGDAGAN PANG MGA SILID ANG GUSALI MULA TAONG 1898 HANGGANG 1994.