Location: Loon, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: National Historical Landmark
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG LOON
UNANG ITINATAG SA NAPO NG MGA HESWITA SA ILALIM NG PATRONATO NI SANTA MARIA, NUESTRA SEÑORA DE LA LUZ, 22 HUNYO 1753. PINANGASIWAAN NG MGA REKOLETO, 21 OKTUBRE 1768. DULOT NG PANANALAKAY NG MGA PIRATA, INILIPAT DITO SA MOTO ANG SIMBAHANG GAWA SA BATO. PINALIBUTAN NG MUOG AT MGA KANYON, KALAGITNAAN NG 1770. NASUNOG ANG SIMBAHAN, MALIBAN ANG HARAPAN, 1850 AT 1853. MULING IPINATAYO SA BATONG KORALES AT ISINAAYOS ANG HARAPAN NG DATING GUSALI AYON SA DISENYO NI DOMINGO DE ESCONDRILLAS, DIREKTOR NG PAMPUBLIKONG GAWAIN SA CEBU, 1855-1864. GINAMIT BILANG GARISON NG PWERSANG AMERIKANO SA KANILANG KAMPANYA LABAN SA MGA KAWAL NA PILIPINO, 1901. IPININTA NI RAY FRANCIA ANG MGA LARAWAN SA MGA KISAME NG SIMBAHAN, 1938. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN AT PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2010. NAGIBA NG LINDOL, 15 OKTUBRE 2013. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2021.