Location: Roxas Boulevard, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 6 January 1979
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SAMAHANG PANG-HUKBONG KATIHAN AT
PANDAGAT NG MAYNILA
ITINATAG NOONG 1898. INILIPAT MULA SA DATING POOK NG SPANISH ARMY ENGINEERS SA INTRAMUROS NOONG 1911. SA KANYANG KINALALAGYAN NGAYON NA BAHAGI NG PINALAKING LUNETA. AYON SA PLANO NG ARKITEKTONG SI DANIEL BURNHAM, NA ITINAYO SA DAKONG TIMOG, KATAPAT NG MANILA HOTEL.
ITINALAGA PARA SA MGA OPISYAL MILITAR NA AMERIKANO HANGGANG SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. SINAKOP NG MGA GERILYANG PILIPINO AT HUKBONG AMERIKANO NOONG PEBRERO, 1945. NAPAILALIM SA PAMAHALAANG SIBILYAN, 1951. SI HENERAL L.V. MEIM B NG PC, AFP, ANG UNANG PANGULONG PILIPINONG NAHALAL, ENERO 20, 1976.
ANG KAUNAN-UNAHANG PANGULO AY SI ALMIRANTE GORGE DEWEY AT IBA PANG NAGING PANGULO AY KABILANG SINA HENERAL ARTHUR MACARTHUR AT ANAK NIYANG SI DOUGLAS MACARTHUR, HENERAL LEONARD WOOD, AT IBA PA.
ANG PALATANDAANG ITO AY NAGSILBING ALAALA NG PAGKAKAIBIGA’T PAGTUTULUNGAN NG PILIPINO-AMERIKANO.