Location: St. Scholastica’s College, 2560 Leon Guinto Street cor. Pablo Ocampo Street, Malate, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ST. SCHOLASTICA’S COLLEGE
ITINATAG BILANG PAARALANG PANGPRIMARYA NG MISSIONARY BENEDICTINE SISTERS NG TUTZING, GERMANY SA DAANG MORIONES, TONDO, MAYNILA, 3 DISYEMBRE 1906. BINUKSAN ANG KONSERBATORYO NG MUSIKA, OKTUBRE 1907. INILIPAT SA DAANG SAN MARCELINO, MAYNILA, 24 DISYEMBRE 1907, AT DAANG PENNSYLVANIA NGAYO’Y LEON GUINTO, 24 DISYEMBRE 1914. BINUKSAN ANG KOLEHIYO, 1920. IPINATAYO ANG ST. CECILIA’S HALL SA DISENYO NI ANDRES LUNA DE SAN PEDRO, 1932. GINAMIT NG MGA HAPONES, 1942–1945. NASIRA NOONG LABANAN SA MAYNILA, PEBRERO 1945. MULI ITONG BINUKSAN, 1947. ITINATAG ANG INSTITUTE FOR WOMEN STUDIES (IWS), 1985. KABILANG SA MGA NAGTAPOS DITO SINA CORAZON C. AQUINO, CECILA MUÑOZ-PALMA AT LUCRECIA KASILAG.