Location: Mandaluyong City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 29 August 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HAGDANG BATO
SA PALIGID NG POOK NA ITO NG HAGDANG BATO, MANDALUYONG, GANAP NA IKA-7:00 NG GABI AGOSTO 29, 1896, GINANAP ANG ISANG MAHALAGANG PAGTITIPUN-TIPON NG MGA KATIPUNERO SA PAMUMUNO NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO NA SINUNDAN NG PAMAMAHAGI NG MGA SANDATA SA MGA ITO. ANG PAGTITIPON AY DINALUHAN NG MAY 1,000 KATIPUNERO NA KINABIBILANGAN NG MGA KASAPI NG 17 SANGAY NG KATIPUNAN SA MANDALUYONG SA PAMUMUNO NI LAUREANO GONZALES NG SANGAY MAKABUHAY. KAALINSABAY SA PAGTUNOG NG KAMPANA ANG SABAY-SABAY NA PAGSIGAW NG MGA KATIPUNERO NG “SIGAW A-NG KALAYAAN” AT PAGSUGOD SA BAHAY PAMAHALAAN NG MANDALUYONG AT IBA PANG POOK NA KARATIG NITO.