Location: Elcano Street, Tondo, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 7 July 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK KUNG SAAN ITINATAG ANG KATIPUNAN
SA POOK NA ITO ITINATAG NOONG IKA-7 NG HUNYO 1892 NI GAT ANDRES BONIFACIO KASAMA SINA LADISLAO DIWA, DEODATO ARELLANO, VALENTIN DIAZ, TEODORO PLATA AT JOSE DIZON ANG KATAAS-TAASANG KAGALANGGALANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN (KATIPUNAN), MAKARAAN ILATHALA SA OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAMAHALAAN ANG KAUTUSAN NG PAGPAPATAPON KAY GAT JOSE RIZAL SA DAPITAN. LAYUNIN NG KILUSAN NA MAKAMTAN ANG MATAGAL NANG MINIMITHING KASARINLAN NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG ISANG MABAGSIK NA PARAAN.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN.