Location: St. Joseph Parish Church, Masangkay Street, Tondo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 20 December 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EMILIO JACINTO
KINILALANG “UTAK NG KATIPUNAN,” SI JACINTO AY ISINILANG SA POOK NA ITO NOONG IKA-15 NG DISYEMBRE, 1875. ANAK NINA MARIANO JACINTO AT JOSEFA DIZON. UNANG NAG-AARAL SA PAARALAN NI MAESTRO PASCUAL FERRER; NAGTAPOS NG BATSILYER SA SINING SA KOLEHIYO NG SAN JUAN DE LETRAN AT NAG-ARAL NG BATAS SA UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS.
UMANIB SA KATIPUNAN NOONG 1894 NA ANG SINASAGISAG AY “PINGKIAN.” NAGING KALIHIM NG K.K.K., AT KANANG-KAMAY NI ANDRES BONIFACIO. MAY AKDA NG “KARTILYA,” “LIWANAG AT DILIM” ATBP. KASAMANG NAGTATAG NG KALAYAAN, ANG PAHAYAGANG TAMBULI NG KKK, AT NAGSULAT DOON SA ILALIM NG SAGISAG NG “DIMAS-ILAW.”
NAMATAY NOONG IKA-16 NG ABRIL, 1899 SA MAHAYHAY, LAGUNA.