Location: Pablo Ocampo (formerly Vito Cruz) corner M. Adriatico Streets, Malate, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 11 June 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PABLO OCAMPO
(1853–1925)
ABOGADO, EDITOR, ESTADISTA AT MAKABAYAN. ISINILANG, ENERO 25, 1853, STA. CRUZ, MAYNILA. HINIRANG NA RELATOR AUDENCIA NG MAYNILA, 1888; PROMOTOR FISCAL, HUKUMANG UNANG DULUGAN NG TONDO, 1889; DEFENSOR DE OFICIO AT KALIHIM, COLEGIO DE ABOGADO, 1890. KAGAWAD AT ISA SA KALIHIM NG KONGRESO NG MALOLOS AT KAGAWAD NG KOMITENG BUMABALANGKAS SA KONSTITUSYON NG MALOLOS. EDITOR NG LA PATRIA, KUNG SAAN NALATHALA ANG MAHAHALAGANG SULIRANIN AT MGA ISYUNG PAMBAYAN KASAMA ANG KANYANG MGA KURO-KURONG MAKABAYAN. IPINATAPON SA GUAM KASAMA NG IBANG MAKABAYANG FILIPINO, 1901. BUMALIK SA PILIPINAS PAGKARAANG MAKAPANUMPA NG KATAPATAN SA ESTAODS UNIDOS, 1902. NAHALAL NA NANINIRAHANG KOMISYONADO SA E.U. 1907 AT KASAMA NG DELEGASYONG AMERIKANO SA INTERPARLIAMENTARY UNION CONFERENCE SA BERLIN, ALEMANYA, 1902. NAHALAL NA KINATAWAN NG MAYNILA SA IKALAWANG LEGISLATURA NG PILIPINAS, 1919. NAMATAY PEBRERO 5, 1925.