Location: Sarangani Island, Sarangani, Davao Occidental
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SARANGANI
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
HULING BAHAGI NG KAPULUAN NA DINAUNGAN NG EKSPEDISYON NASA KATIMUGANG DAKO NITO ANG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA) MATAPOS ANG UNOS SA BIRAHAM BATOLACH (BATULAKI, GLAN, LALAWIGAN NG SARANGANI), NOONG 26 OKTUBRE 1521. TINUNGO NG EKSPEDISYON ANG DAKO NG PULO NG CANDIGHAR (TINATAYA NGAYONG BALOT, BAYAN NG SARANGANI, DAVAO OCCIDENTAL), AT DUMAONG SA PULO NG SARANGANI, 27 OKTUBRE 1521. DALAWANG MAMAMAYAN NG SARANGANI ANG SAPILITANG GINAWANG PILOTO NG EKSPEDISYON SA PAGTUNTON SA MALUKU. NILISAN ANG SARANGANI PATUNGONG MALUKU, 28 OKTUBRE 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.